Disyembre 2011.

Para sa kanya, yun na marahil ang pinakamapagpalang panahon sa tana ng kaniyang buhay. Dahil yun ang simula ng kanyang pagiging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Si Aling Laline P. Morales, 49 taong gulang ay isa sa mga benepisyaryo ng programa sa Bintawan Norte, sa bayan ng Villaverde, Nueva Vizcaya. Katuwang niya sa buhay ang kanyang asawa na si Mang Robert J. Morales. Dahil sa matamis nilang pagmamahalan, ang kanilang pagsasamahan ay nagbunga ng pitong anak. Si Kristine, 31 taong gulang, ang panganay na mayroon ng sariling pamilya. Pangalawa si Kathyrine, 29 taong gulang, Robert 27 taong gulang ngunit pumanaw na, Rainer 23 taong gulang, John Paul 15 taong gulang, Rob keithler, 8 taong gulang at ang bunso na si Joehbert, 5 taong gulang.

Bawat sentimong kanilang natatanggap mula sa programa ay lubos na pinahahalagahan ng pamilya. “Tunay na napakalking tulong ng nakukuha naming cash grant,” panimula ni Aling Laline. “Malaking tulong ito sa pagtugon sapangangailangan ng king mga anak, lalo na sa gamit nila sa eskwelahan,” dagdag pa niya.

Batid din ng mag-anak na kapalit ng tulong pinansiyal na kanilang natatanggap ay ang kanilang responsibiliday na gawin ang mga nakatalng kondisyon ng Pantawid Pamilya. Ginagampanan nilaang kanilang mga tungkulinbilang tugon sa kondisyon sa nutrisyon at kalusugan, gayundin sa edukasyon. Ngunit higit pa dito, lagi rin siyang dumadalo sa Family Development Sessions o FDS.

Dahil sa buwan-buwan na pagdalo sa FDS na pinamumunuan ng mga Resource Persons, nagsimulang lumawakang kaalaman ni ALing Laline tungko sa mga iba’t-ibang bagay na hindi basta-basta natututunan sa paaralan. Isa na dito ang pagiging responsableng ina at ama sa kanyang mga anak at mga iba pang usapin tungkol sa pamilya.

“Dahil sa FDS, mas lalo kong naintindihan at niyakapang aking tungkulin bilang isang ina, at lalo na,ang pagiging isang maybahay. Natutunan kong pahalagahan ang buhay may asawa kaya naman mas tumibay pang relasyon naming ng aking mister,” dugtong ni Aling Laline.

Maraming opurtunidad din ang kumatok kay Aling Laline upang maipamalas niya ang kanyang abilidad at galing. Siya ay naging isang Parent Leader at pimnamunuan ang ilan sa mga kapwa niya benepisyaryo. Doon, namulat siya na bukod pa sa kanyang sariling pamilya, may malaking tungkulin din siya sa lipunang kanyang ginagalawan.

Dahil sa kanyang pagiging Parent Leader, lalong nalinang ni Aling Laline ang kanyang kakayahan sa pakikipag-kapwa-tao at naging mas responsablesiyang mamamayan. “Marami akong natutunan bilang isang Parent Leader, isa na rito ang pagiging role model hindi lamang sa mga benepisyaryo kundi sa buong barangay,”ani niya.

Kailanman, hindi ikinahiya ni Aling Laline ang kalagayan ng kanyang pamilya. Ayon sa kanya,ang kanilang pagiging mahirap, ay siyang nagbibigay ng dahilan sa kanila upang mangarap.At lahat ay kanilang gagawin upang balang araw ay magkaroon silang mas magandang pamumuhay.

“Kami sa aming pamilya ay nagtutulungan para kami ay makaraos at nang matugunan ang mga pang-araw araw naming pangangailangan.Mahalaga naalam naming an gaming mga responsibilidad dahiliyon ang aming gabay tungo sa maunlad na hinaharap,” dagdag ni Aling Laline.

Para kay Aling Laline, hindi mahirap maging mahirap, dahil kapag alam mo ang iyong mga tungkuling dapat gampanan, yun ang magtuturo ng daan upang ikaw ay umunlad sa buhay. Kailangan langang matibay na pag-asa at matinding pagsisikap.

“Ang pagiging responsable ay isang natatanging katangian at kakayahan na maaring maging sandata ninuman sa pagkamit ng maayos at matiwasay na pamumuhay. Higit sa anupamang halaga ng pera, ang katangiang ito ang pinakaimportanteng kayamanan na dapat pag-ingatan at isaalang-alang sa lahat ng pagkakataon,” pagtatapos niya. ### Ni DONALD JAKE PEREZ,Munipal Link, Villaverde,Nueva Vizcaya