Naging makulay at masaya ang pagdiriwang ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD-F02) sa ika-66 na anibersaryo ng departamento.

Isa sa mga pinakamahalaga at pinakatinangkilik na bahagi ay ang pagsasagawa ng Photo Exhibit na naganap sa lobby ng Field Office building.
Ang mga larawan ay nagpapakita ng iba’t-ibang mga gawain ng departamento at ang papel na ginagampanan ng mga kawani sa pagpapatupad ng mga adhikain ng DSWD.

Mayroon ring photo booths ang mga Provincial Action Team (PAT) ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino kung saan ipinakita at inilarawan ang Convergence Initi
aves upang mas lalo pang mabigyang pagkilala ang mga istratehiyang ipinapanukala at isinusulong ng mga PAT’s

Isinagawa ang naturang exhibit sa pangunguna ng Convergence Strategies staff upang ipakita at bigyan ng pagkilala ang paglilingkod na inilahad ng mga kawani hindi lamang sa departamento kundi pati na rin sa mga nangangailangan.### By: Margarette B. Galimba, Administrative Assistant III/Listahanan IO