Tulad ng bakal na hinuhubog sa apoy, ganoon din ang paglalakbay ng Pamilyang Cagabโ€”puno ng init ng pagsubok ngunit pinanday ng sipag, tiyaga, at pananampalataya.

Ako po si Maretis D. Cagab, asawa ni Tatso C. Cagab, at kami ay nabiyayaan ng apat na anak: sina Jenny Roselyn, Trisha Mae, Tristan Myer, at Trisler Mico. Kami ay naninirahan sa Barangay Pangawan, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Mulaโ€™t sapul, ang buhay naming magsasaka ay hindi naging madali. Ang kinikita sa pagtatanim ng gulay ay laging nakadepende sa panahon at presyo sa palengke. Kung mataas, nakakaraos, ngunit kung bumagsak, kami ay baon sa utang at nag-aalala kung saan kukuha ng pambili ng pagkain at panggastos sa eskwela ng mga bata. Dumagdag pa ang mga hamon ng peste, kawalan ng sariling lupa, at pabagu-bagong klima. Ito ang pinakamabigat na pasanin ng aming pamilya; isang ang paulit-ulit na siklo ng kahirapan.

Ngunit noong 2010, nabigyan kami ng pagkakataon na maging bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development. Sa panahong halos wala na kaming mahugot, ang cash grants mula sa programa ang naging tulay para matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng aming mga anak sa edukasyon at kalusugan.

Higit pa rito, nagbigay rin ang 4Ps ng mga kaalaman at gabay sa pamamagitan ng Family Development Sessions (FDS). Dito namin natutunan ang wastong paggamit ng pera, tamang pagpapalaki ng mga anak, pagpapahalaga sa kalusugan, at higit sa lahat, ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mag-asawa at pamilya. Ang mga aral na ito ay nagsilbing gabay sa amin habang hinaharap ang mga hamon ng buhay.

Bilang myembro ng 4Ps, malaking tulong din ang oportunidad na binigay ng Vizcaya Fresh sa pamamagitan ng Municipal Agricultural Office, upang magkaroon kami ng kaalaman tungkol sa organikong pagsasaka. Nakita naming ang magandang dulot nito sa kalusugan at dahil na rin sa aral ng FDS sa pagpapahalaga sa kalusugan at ang gabay ng programang 4Ps na magsumikap sa aming mga sariling paa at huwag magdepende sa tulong pinansyal, nagpursigi kaming yakapin ang ganitong pamamaraan ng pagsasaka.

Simula nooโ€™y kami ay naging katuwang ng organisasyon sa pagpo-promote ng organic farming at naging inspirasyon pa sa ibang magsasaka. Sa katunayan, nakahikayat kami ng sampung magsasaka na sumubok ng organikong pamamaraan, at maging ang karatig-barangay sa Pito, Bokod, Benguet ay nahikayat din. Sa kalaunan, lumawak ang impluwensiya ng organikong pagsasaka sa aming bayan. Umabot na ito sa limang barangay sa Kayapa.

Hindi lamang lokal ang nagpakita ng interes; maging mga estudyante mula sa isang unibersidad sa Japan ay dumalaw upang obserbahan at matuto sa aming taniman. Dumalo rin sa aming mga seminar ang Agriculture Offices ng Ifugao, Kasibu, at Santa Fe, gayundin ang pribadong kumpanyang Oceana Gold.

Sa malaking demand ng organikong produkto, nakakapagbenta kami ngayon ng tatlo hanggang apat na beses kada linggo sa National Capital Region. Bukod pa rito, mahal at stable ang presyo, kaya malaking tulong ang kinikita namin sa gastusin sa bahay at sa pag-aaral ng aming mga anak. Totoo, may mga araw na parang gusto naming sumuko dahil mas matrabaho ang pagpapanatili ng organikong taniman, ngunit sa tulong ng 4Ps at sa mga aral nito, may lakas kami upang magpatuloy.

Ngayon, nakikita na namin ang bunga ng aming pagpupunyagi at ng tulong ng programa. Ang aming mga anak ay nagsisikap sa kanilang pag-aaral at nakapagtapos na ng Cookery at Bread and Pastry Production (BPP NC II). Natututo rin silang mag-ipon mula sa kanilang baon at tumulong sa bahay at bukid. Kami naman ng aking asawa ay nakahanap ng mas malalim na papel sa komunida. Ako bilang Barangay Nutrition Scholar (BNS) at miyembro ng Kayapa Participatory Guarantee System (KPGS), at siya bilang Treasurer ng PTA at volunteer sa barangay projects.

Sa lahat ng ito, hindi namin nakakalimutang kumapit sa Diyos; ang Dakilang Panday na patuloy na humuhubog sa aming pamilya. Kung dati ay lugmok kami sa hirap at kawalan ng pag-asa, ngayon ay natutunan naming ang kahirapan ay hindi hadlang. Sa tulong ng 4Ps at Vizcaya Fresh, natutunan naming magpanday ng sarili naming kapalaran – na kahit sa harap ng kahirapan ay may pag-asa, bastaโ€™t may tiyaga, pagkakaisa, at pananampalataya.

Kami ang Pamilyang Cagab, at kami ang ang panday na hinubog ng hirap, pinalakas ng 4Ps, at patuloy na kumakapit sa pag-asa ng mas maliwanag na kinabukasan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD