PROJECT LAB UPDATES | Bilang bahagi ng implementasyon ng Project LAWA at BINHI para sa taong 2026, sumailalim sa Cash-for-Training (CFT) ang 1,070 partner-beneficiaries sa lalawigan ng Quirino noong Hulyo 14–15, 2026.
Pinangunahan ng DSWD Field Office 02 sa pamamagitan ng Risk Resiliency Program (RRP) ang sabayang pagsasagawa ng CFT sa mga bayan ng Aglipay, Cabarroguis, Diffun, Maddela, at Nagtipunan.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga partner-beneficiaries hinggil sa Disaster Risk Reduction (DRR) at Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM), gayundin ang pagbibigay ng orientation sa mga layunin, proseso ng implementasyon, at inaasahang resulta ng Project LAWA at BINHI.

Tinalakay naman ng Municipal Agriculture Office (MAO) at Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) ang mga aktibidad ng proyekto, schedule ng implementasyon, at mga natukoy na lokasyon ng project sites.
Samantala, nagbigay ng orientation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) hinggil sa mga safety protocol at occupational health measures na dapat sundin upang matiyak ang kaligtasan ng mga benepisyaryo sa buong implementasyon ng proyekto.
Nagpahayag din ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino na magbibigay sila ng karagdagang ₱400 wage augmentation para sa bawat benepisyaryo. Maglalaan din ang provincial government ng mga binhi at punla upang suportahan ang pagpapatuloy at sustainability initiatives ng proyekto.
Kasabay nito, isinagawa rin ng DSWD FO2 ang assessment at validation ng mga partner-beneficiaries at pangangalap ng datos para sa BBM Serbisyo upang matiyak ang pagiging kumpleto at maayos ng mga impormasyong kinakailangan sa implementasyon ng proyekto.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

