TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng disaster preparedness at response, isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 ang kauna-unahang QUIZaster 2026 na isa sa mga tampok na aktibidad sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2026 ngayong araw, Hulyo 28, 2026.
Layunin ng kompetisyon na higit pang palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga kawani sa disaster preparedness, emergency response, at disaster risk reduction, gayundin ang pagpapaigting ng kanilang kamalayan sa kahalagahan ng maagap at koordinadong pagtugon sa mga kalamidad at iba pang emergency.
Lumahok sa QUIZaster ang mga kinatawan ng siyam na dibisyon ng DSWD Field Office 2, kabilang ang Administrative Services Division (ASD), Human Resource Management and Development Division (HRMDD), Finance Management Division (FMD), Innovation Division, Office of the Regional Director (ORD), Policy and Plans Division (PPD), Protective Services Division (PSD), Promotive Services Division (PROMSD), at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa pamamagitan ng serye ng mga tanong na nakatuon sa disaster response protocols, emergency procedures, at disaster risk reduction strategies, nasubok ang kaalaman at kahandaan ng mga kalahok sa pagharap sa iba’t ibang sitwasyon ng kalamidad.
Nagsilbi rin ang kompetisyon bilang plataporma upang higit na mapalakas ang koordinasyon, pagtutulungan, at pagbabahaginan ng kaalaman ng mga miyembro ng Quick Response Team (QRT), na may mahalagang papel sa paghahatid ng maagap at epektibong pagtugon sa panahon ng sakuna.
Sa pagtatapos ng kompetisyon, itinanghal na kampeon ang FMD, habang pumangalawa ang 4Ps at pumangatlo ang ASD.
Sa pamamagitan ng QUIZaster 2026, patuloy na pinagtitibay ng DSWD FO2 ang kahandaan ng mga kawani at ang kultura ng pagiging handa sa loob ng tanggapan, bilang suporta sa layunin ng NDRM 2026 na isulong ang isang mas ligtas, mas matatag, at mas handang Bagong Pilipinas.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#NDRM2026
#IamResiLIYAB

