PROJECT LAB UPDATES – Bilang bahagi ng patuloy na suporta sa implementasyon ng Project LAWA at BINHI (PLAB), namahagi ang Office of the Provincial Agriculture (OPA) ng Cagayan ng vegetable seeds at gardening tools sa mga PLAB partner-beneficiaries sa bayan ng Camalaniugan.

Pinangunahan ng DSWD Field Office 2, sa pamamagitan ng Risk Resiliency Program (RRP), ang distribusyon ng seedling propagation trays at tig-lilimang (5) pakete ng iba’t ibang uri ng vegetable seeds sa tatlong (3) project sites para sa Calendar Year (CY) 2026.

Kabilang sa mga ipinamahaging seedlings ang sili, kamatis, upo, kalabasa, ampalaya, patola, at talong na gagamitin ng mga benepisyaryo sa pagpapalago ng kanilang mga vegetable garden.

Samantala, dalawang (2) project sites mula sa CY 2025 at CY 2026 ang pinagkalooban din ng mga gardening tools na binubuo ng tig-iisang garden fork, axe hoe, at rake, gayundin ng limang (5) pirasong trowel. Inaasahang makatutulong ang mga kagamitang ito sa pagtatatag at pagpapanatili ng mga BINHI sites ng mga benepisyaryo.

Sa naturang inisyatiba, pinagtitibay ang patuloy na pagtutulungan ng DSWD, OPA, at Local Government Unit (LGU) ng Camalaniugan upang mapalawak ang access ng mga komunidad sa agricultural resources at makapagbigay ng mas sustainable na livelihood opportunities.

#ProjectLAWAatBINHI

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD