PROJECT LAB UPDATES | Nasa 300 partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI sa Pamplona, Cagayan ang nakatanggap ng Family Food Packs (FFPs) bilang bahagi ng Food-for-Work activity noong Agosto 19, 2026.

Pinangunahan ng DSWD Field Office 2, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang pamamahagi ng FFPs para makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain ng mga benepisyaryo habang isinasagawa ang rehabilitasyon at pagpapanatili ng project sites.

Bago ang pamamahagi, nagsagawa ang DSWD ng monitoring sa anim na project sites upang masuri ang progreso ng mga aktibidad at matiyak ang maayos na pagpapatupad ng proyekto.

Nagbigay din ang monitoring team ng technical assistance sa mga benepisyaryo, kabilang ang wastong documentation at inventory ng project resources bilang paghahanda sa nalalapit na turnover ceremony.

Tinalakay din ng DSWD at mga katuwang na tanggapan ang panukalang paggamit ng 2025 Project LAWA bilang technology demonstration farm o techno-demo farm sa ilalim ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng BFAR at LGU.

Layunin nitong magkaroon ang komunidad ng lugar para matutunan at maipakita ang mga sustainable na pamamaraan sa kabuhayan at food production.

Binigyang-diin din ng aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng DSWD, LGU at iba pang partner-stakeholders upang matiyak na magpapatuloy at mapapakinabangan ng komunidad ang mga benepisyo ng proyekto.

#ProjectLAWAatBINHI
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD