PROJECT LAB UPDATES | Umabot sa 900 partner-beneficiaries sa Quirino Province ang sumailalim sa Cash-for-Training (CFT) for Sustainability ng Project LAWA at BINHI na isinagawa noong Agosto 11–14, 2026.
Pinangunahan ng DSWD Field Office 2 ang aktibidad na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga partner-beneficiaries na mapanatili at mapalago ang mga naitatag na proyekto sa kanilang mga komunidad.
Tinalakay ng mga kinatawan mula sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) ang mga pamamaraan sa sustainable agriculture, wastong pamamahala ng proyekto, pangangalaga sa mga pinagkukunan ng tubig, at kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng komunidad.
Nagsagawa rin ang mga benepisyaryo ng community planning activity kung saan tinukoy nila ang mga hakbang upang mapalakas at mapalawak ang kanilang mga proyekto at higit pang mapaunlad ang kanilang mga samahan.
Binigyang-diin sa aktibidad ang mahalagang papel ng mga samahan sa pagpapatuloy ng Project LAWA at BINHI lalo na sa pagsusulong ng sama-samang pagkilos at community ownership.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DSWD, OPAG, mga lokal na pamahalaan, at mga partner-beneficiaries, inaasahang mapapanatili at mapapalago ang mga proyekto para sa patuloy na kapakinabangan ng mga komunidad sa Quirino.
#ProjectLAWAatBINHI
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD


