BINHI NEWS I Nakatanggap ng kabuuang ₱5.6 milyon na livelihood assistance ang 19 Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) mula sa mga bayan ng Alfonso Castañeda, Ambaguio, Aritao, Bambang, Bayombong, Diadi, Dupax del Norte, at Santa Fe, Nueva Vizcaya, na isinagawa noong Agosto 19–21 at 24, 2026. Ang assistance ay nakinabang ang 383 participants, kabilang ang tatlong SLPAs sa ilalim ng PUNLA Phase at 16 SLPAs sa ilalim ng SIBOL Phase, upang suportahan ang pagpapatupad at pagpapalakas ng kanilang mga natukoy na livelihood projects.
Ang PUNLA at SIBOL ay mga pangunahing bahagi ng five-year livelihood sustainability framework ng Sustainable Livelihood Program (SLP) na naglalayong gabayan ang mga kalahok tungo sa pangmatagalang katatagan sa kabuhayan at pagiging self-sufficient. Sa ilalim ng PUNLA, binibigyan ang mga kalahok ng kaalaman, kasanayan, at resources na kinakailangan sa pagtatatag ng microenterprises, habang sa SIBOL naman ay sinusuportahan ang mga umiiral na livelihood ventures upang mapalawak ang operasyon, mapabuti ang productivity, at mapanatili ang paglago ng kanilang mga negosyo.
Isinagawa ang payout activities sa loob ng apat na araw ngayong Agosto, kung saan ipinagkaloob ang financial assistance para sa kani-kanilang livelihood initiatives. Dumalo rin sa mga aktibidad ang mga lokal na opisyal at kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Offices (MSWDOs), bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng SLP.
Sa pamamagitan ng mga intervention na ito, patuloy na binibigyang-kakayahan ng DSWD-SLP ang mga kalahok na mapalakas ang kanilang kabuhayan at magkaroon ng mas matatag at sustainable na pagkakakitaan.

