PROJECT LAB UPDATES | “Hindi dapat matapos sa cash-for-work at ayuda ang Project LAWA at BINHI, kundi maging daan sa mas matatag at pangmatagalang kabuhayan at food security.”
Ito ang mensahe ni Sto. Niño Municipal Mayor Andrew Vincent Pagurayan sa isinagawang Ceremonial Turnover ng Project LAWA at BINHI sa Brgy. Virginia nitong Setyembre 8, 2026.
Hinikayat ni Mayor Pagurayan ang mga partner-beneficiaries na gamitin at pangalagaan ang mga project site upang maging tuloy-tuloy na mapagkukunan ng pagkain at kita ng kanilang mga pamilya, sa halip na umasa lamang sa panandaliang tulong.
Binigyang-diin din ng alkalde na mahalaga ang maayos na pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga proyekto upang maging matibay ang pundasyon ng mga ito para sa mga susunod na programa at suporta mula sa pamahalaan at partner-agencies.
Samantala, sinabi ni DSWD Field Office 2 Chief Administrative Officer Atty. Juan Zalun na mahalaga ang aktibong pakikilahok ng komunidad upang maging matagumpay ang mga intervention ng pamahalaan.
Ibinahagi ni Atty. Zalun ang IFAN—Inspiration, Failure, Aspire at Nurture—bilang mga prinsipyong maaaring maging gabay ng mga benepisyaryo: magkaroon ng inspirasyon, matutong bumangon sa kabiguan, mangarap ng mas magandang buhay at pangalagaan ang likas na yaman.
Hinikayat din niya silang gawing produktibong taniman ang mga Project BINHI sites upang makatulong sa food security at dagdag na kita.
Kasabay nito, nananatiling katuwang ng mga benepisyaryo ang Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal Agriculture Office, Municipal Environment and Natural Resources Office, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Agriculture at Office of the Provincial Agriculturist sa pamamagitan ng technical assistance, skills training at iba pang suporta para sa pagpapatuloy ng proyekto.
#ProjectLAWAatBINHI
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

