Dumating ngayong araw sa Tuguegarao City si DSWD Secretary Judy M. Taguiwalo upang makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang alamin ang kalagayan ng rehiyon at estado ng pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong Lawin.
“Nais naming bigyang diin na ang DSWD ay naririto upang umalalay sa mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima upang mapadali ang kanilang pagbangon,” saad ni Taguiwalo.
Sinabi rin nya na hindi nagtatapos sa pagbibigay ng kagyat na ayuda ang pagtulong ng DSWD bagkus ay titiyakin nito na katuwang ang DSWD sa pagsasagawa ng rehabilitasyon at iba pang tulong na maaring ibigay sa mga biktima ng bagyo partikula ang mga marilitang biktima ng bagyo.
Kasama ni Secretary Taguiwalo sa pagbisita sina DSWD Undersecretary Vilma Cabrera at iba pang opisyal ng National Disaster Response National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Binisita ni Secretary Taguiwalo ang ilang bayan sa Cagayan na malubhang nasalanta ng bagyong Lawin tulad ng Penablanca at Enrile at nakibahagi sa pagbibigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo. ### By: Gela Flor R. Perez, Regional Information Officer II