Sa paghagupit ng bagyong Lawin sa Lambak ng Cagayan, napatunayan ang kahalagahan ng pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor.
Alinsunod nito, pinangunahan ng DSWD Field Office 02 ang pakikipag-diyalogo sa iba’t ibang Civil Society Organizations (CSOs) sa rehiyon upang pagtibayin ang pagtutulungan ng dalawang sektor.
Layunin ng nasabing diyalogo na hikayatin ang CSOs na patuloy nitong gampanan ang pagiging GABAY, TULAY, BANTAY AT KAAGAPAY ng DSWD sa pagpapatupad nito ng iba’t ibang programa at serbisyo para sa mga maralitang Pilipino partikular na ang pagsubaybay sa pagsasakatuparan ng mga programa ng gobyerno para sa mga biktima ng bagyong Lawin.
Ang nasabing diyalogo ay dinaluhan ng mga opisyal ng DSWD FO 02 sa pangunguna ni OIC Regional Director Ponciana P. Condoy. Dumalo din ang mga opisyal ng DSWD central Office na sina Assistant Secretary Hope Hervilla at Director Carlos Padolina,
Samantala, nagbigay ng ulat sa kalagayan ng pagbibigay ayuda ng DSWD sina Hervilla at Padolina saBombo Radyo Tuguegarao at binigyang linaw ang ilang katanungan ng mga tagapakinig ng naturang himpilan. ### By: Gela Flor R. Perez, Regional Information Officer II