Nagpaabot ng pasasalamat sa DSWD ang mga nasalanta ng bagyong Lawin sa siyam (9) na barangay ng Tumauini, Isabela sa dagdag na tulong nito sa pamamagitan ng family food packs at laminated sacks (lona/tarp).
Pinangunahan ng DSWD Municipal Action Team (MAT) ng Tumauini ang pamamahagi ng nasabing tulong katuwang ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Tumauini.
Hinatiran ng DSWD Field Office 02 ng family food packs ang mga mahihirap na biktima ng paghagupit ng bagyong Lawin sa mga sumusunod na barangay sa Bayan ng Sta. Maria, Isabela:
1. Brgy. Divisoria
2. Brgy. San Isidro East
3. Brgy. San Isidro West
4. Brgy. Bangad
Naging matagumpay ang pamamahagi dahil sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit (LGU), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at ng mga Barangay Officials sa nasabing bayan. ### By: Gela Flor R. Perez, Regional Information Officer II