Tumanggap ng parangal ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD-FO2) mula sa Central Office sa initiatibong Citizen’s Charter para sa Grievance Redress System (GRS) noong ika-2 ng Pebrero, 2017.
Ang Regional GRS, pinapangunahan ng Regional Grievance Officer Valenie Cauilan, ang pinakamaagang nakabuo at nakapag-sumite ng disenyo para sa Citizen’s Charter na siyang naging basehan ng ibang rehiyon sa kanilang pagdisenyo ng kani-kanilang Charter.
Ayon kay G. Cauilan, sa pagbuo ng disenyo para sa Citizen’s Charter, nagkaroon ng malawakang konsultasyon sa iba’t ibang grupong apektado mula sa mga benepisyaryo hanggang sa mga manggagawa ng ahensiya. Ang konsultasyon na ito ay ginawa sa pamamagitan ng Focus Group Discussions (FGDs) at survey upang masubukan kung epektibo at madaling masundan ang mga nilalaman ng charter.
Inaasahang makakabuo ng pangkalahatang Citizen’s Charter para sa GRS na siya ring isasalin sa wikang Ingles, Filipino, Visaya, Ilocano at Bicol. ### By: Jeanet Antolin-Lozano, Pantawid Pamilya Information Officer II