Sa pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 02 (DSWD-F02) at ng Department of Trade and Industry (DTI), naisagawa ang Meat Processing Training sa Aparri, Cagayan sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Labimpitong miyembro ng Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) ang nakilahok sa naturang pagsasanay.
“Maraming salamat sa DSWD sa opurtinidad na ito na maragdagan ang aming kaalaman at magkaroon ng pagkakataong magkaroon ng hanap buhay,” pahayag ni Flordeliza Dian, benepisyaryo ng SLP.
Sumailalim ang mga benepisiyaryo sa isang pagsasanay kung saan sila tinuruan ng paggawa ng iba’t-ibang processed meat tulad ng longanisa, chicken nuggets, embotido, meat loaf, corned beef, beef tapa, tocino, kikiam at burger patty.
Ang SLP ay isang programa ng DSWD na naglalayong tulungan ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagsisigurong magkakaroon sila ng dekalidad na kabuhayan o trabaho.### By: Margarette B. Galimba, Administrative Assistant III/Listahanan IO