Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) o Listahanan para sa nalalapit na pagpapatuloy ng On-Demand Application (ODA) sa rehiyon.
Nakatakdang magtalaga ng mga Area Enumerators sa mga probinsiya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino ang DSWD upang maisagawa ang household assessment gamit ang Family Assessment Forms (FAF).
Ang mga impormasyon na malilikom ay dadaan sa proseso ng encoding upang mapasali sa database ng Listahanan ang isang household.
Pagkatapos ng proseso ng encoding, dadaan naman ang mga impormasyon sa proseso ng “verification” upang masiguro na kumpleto at totoo ang mga datos na na-encode.
Ang ODA ay bahagi pa rin ng ikalawang round ng assessment ng Listahanan.
Ang Listahanan ay isang information management system na tumutukoy kung sino-sino at kung nasaan ang mga mahihirap. ### By: Margarette B. Galimba, Administrative Assistant III/Listahanan IO