Ang Listahanan o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay isang information management system na tumutukoy kung sino at nasaan ang mga mahihirap.
Bagamat maaring magrequest ang mga National Government Agencies, Local Council Executives, Non-Government Organizations at iba pang mga kagawaran at ahensiya na nagpapatupad ng mga social welfare and development programs sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) ay pansamantala munang hindi maaring magbigay ang Listahanan ng datos.
Ang MOA ng Data Sharing ay kasalukuyan pang nirerepaso at inaangkla sa R. A. 10173 o Data Privacy Act of 2012. Dahil dito hindi pa epektibo ang MOA ng Data Sharing.
Bukod pa rito,ang assessment ng On-Demand Application (ODA) o ang mga sambahayang hindi na-assess noong regular assessment ay kasalukuyan pang pinagpapatuloy upang matiyak na ang talaan ng sambahayan ay kumpleto, totoo, at sigurado.
Subalit maari ng magbahagi ang DSWD ng statistics base sa datos na nakalap noong Pebrero ng nakaraang taon sa pamamagitan ng paghiling nito gamit ang request letter. ### By: Margarette B. Galimba, Administrative Assistant III/Listahanan IO