Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Aggao Nac Cagayan (Cagayan Day), naki-isa ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD-F02) sa Trade Fair na ginanap sa Provincial Capitol Grounds, Tuguegarao City noong June 25-30, 2017.
Sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) at ng Cagayan Valley Regional Rehabilitation for the Youth (CV-RRCY) ay nagkaroon ng pagkakataon ang DSWD na maipakita ang iba’t-ibang produkto na talaga namang pumatok sa mga bisita.
Ipinagmalaki ni Ms. Karen Mabasa, External Relations Officer ng SLP, ang mga produktong gawa ng mga SLP beneficiaries tulad ng Organic Charcoal na gawa sa busil ng mais mula sa Peñablanca, Cagayan, mga bag na gawa sa Ananat (isang uri ng damo) mula sa Aparri Cagayan, Ratan Baskets mula sa Rizal, Cagayan, Golden Salted Egg na gawa sa itlog ng itik na ibinabad sa turmeric mula sa Quezon, Isabela, at Fosilized Flowers mula sa Probinsiya ng Quirino.
Hindi rin nagpahuli ang kaaya-ayang Artificial Bonsai ng CV-RRCY na gawa sa kahoy, semento, lumang dyaryo, at beads.
Ang kita sa nasabing trade fair ay mapupunta rin sa mga SLP beneficiaries at mga residente ng CV-RRCY. ### By: Margarette B. Galimba, Administrative Assistant III/Listahanan IO