Sa pangunguna ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) o Listahanan, kasalukuyang nagsasagawa ng household validation ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD-FO2) para sa mga posibleng benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer (UCT) na inaasahang matapos sa ika-30 ng Mayo ng taong ito.
Makakatanggap ng P200 kada buwan o P2400 sa kasalukuyang taon at P300 kada buwan o P3600 sa 2019 at 2020 ang mga magiging benepisyaryo ng UCT Program.
Nasa tinatayang 85,289 na sambahayan mula sa isinasagawang validation ng Listahanan ang magiging benepisyaryo ng naturang programa sa ating rehiyon.
Samantala, nais linawin ng ahensiya na ang kasalukuyang validation na isinasagawa ng Listahanan sa rehiyon ay para lamang sa UCT Program at hindi bilang karagdagang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program.
Ang UCT ay bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Ito ang pinakamalaking programa na magpapagaan sa kalagayang panlipunan ng mga nangangailangan. ### By: Margarette B. Galimba, Administrative Assistant III/Listahanan IO