Ni Shekina Glorie Sario

Delibyo kung ituring
Samantalang handa ang lahat sa iyong pagdating
Sa ngalan mong Ompong
Hindi patitinag sa lakas mong angkin

Nakahanda ang lahat mga tao sa baba
Orientasyon na ginawa bago ang pagsalanta
Inisip ang kaligtasan ng mga tao sa bawat munisipyo
Samantalang pamilya ay naiwan sa baryo

Ilang araw ang pagserbisyo
24/7 ang trabaho
Maibigay lang ang serbisyong totoo
Sa bawat katao

Nariyan ang lahat sama sama sa pagtulong sa nangangailan
Iba’t-ibang ahensiya na nagsilbing daan
Sa pagbibigay ng serbisyong makatotohahan

Profiling of evacuees
Packing and distribution of relief goods
24/7 duty at kung ano ano pa
Yakang yaka basta sama sama