Ni Kenneth Jay Acidera

 

Isang kahig, Isang tuka.

 

Pagsubok.

Walang laman ang bulsa!

Oo, wala akong pera.

Kumakalam ang aking sikmura.

Ako’y isang patay gutom!

Isa akong dukha.

 

Dagok.

Ha?

Hindi na ako mag-aaral?

Bakit po?

Dahil ba ipinanganak ako sa isang inang dukha?

Mamamatay din ba akong tirik ang mga mata?

Wala na bang karapatang mangarap at tumamasa?

 

Pag-asa.

Ano ito?

Mayroon akong narinig na balita.

Ako raw ay makakapag-aral na!

Ang pamahalaan kong mapag-aruga.

Sa mahihirap ay nagbibigay ng pag-asa.

Mga pangarap ko’y makakamit na!

 

4Ps.

Programang Pantawid Pamilya.

Sabi nila’y, magbibigay ng sapat na ayuda.

Sa pag-aaral ko’y may kaagapay.

Kalusugan ko rin may magbabantay.

 

Pag-asa.

Nais kong maunawaan.

Ang nilalaman ng apat na letra.

Makapagsaliksik nga.

Nilalaman ng apat na letrang may pag-asang dala.

Pantawid Pamilya Pilipino Program.

 

Pantawid.

Alam kong ako’y naglalakbay na sa matibay na tulay ng aking magandang kinabukasan.

Ganap ko nang makakamit ang aking karapatan sa edukasyon.

Tingnan mo ako ina, pumapasok na ako sa eskuwela.

 

Pamilya.

Ina, hindi tayo pinabayaan ng pamahalaan.

Hindi na kailangan pang watak ang ating pamilya.

Sa Family Development Sessions kada buwan.

Pamilya natin mananatiling buo at masigla.

 

Pilipino.

Pinagmasdan ko ang aking paligid.

Ako, ikaw, sila, tayong lahat na Pilipino.

Lahat ay kinalinga ng programa.

Wala nang Pilipinong maghihirap, ito ang narinig kong panata.

Wala ng mga kabataang masasawi sa pangangarap.

Mapalad ako, isa ako sa kanila.

 

Program.

Programang pangmasa.

Ina, titigan mo ako.

Isa nang produkto ng programang ito.

Hawak ko na ang aking diploma.

Saludo ako. Saludo ako sa mga taong nasa likod ng programang ito.

Hindi sila nagpabaya sa mga kabataang tulad ko.

 

Hindi sila bingi, Pinakinggan nila ako.

Hindi sila bulag, nakita nila ako.

Hindi sila pilay, inakay nila ako.

Hindi sila pipi, nagka-boses ako.

Walang kapansanan ang pamahalaan, nakatitiyak ako!

 

Hakbang pa tayo ina, usad pa.

Bukas, hindi na tayo dukha.