-ni Den Christ Telan

Ang inyo pong mga lingkod ay walang pinipiling panahon,
Mula umaga hanggang dapit-hapon,
Ang paglikurang buo sa lahat ng pagkakataon,
Bahagi na ng aming buhay mula pagbangon.

Nais naming ipahiwatig na natutuwang makita,
Ang mga pagbabago ninyong kahanga- hanga,
Inyong pagod at sakripisyo ay nagbunga,
Nababanaag rin bakas-kamay ng iba’t ibang ahensiya.

Kamiy muling kumakatok at nangungumusta,
Patungkol sa mga inilaan sa inyong programa,
Ang kinalalagyan at pag angat niyong mga ate at kuya,
Gamit itong SWDI tool na aming dala dala.

Kami ay inyong mga lingkod na laging kasama,
Ang tagumpay ninyo ay tagumpay ng bawat isa,
Ang inyong kwento ay kwento rin ng marami pa,
Patunay lamang na 4ps ay epektibo talaga.