PAGPUPUGAY SA MGA MANGGAGAWANG KABABAIHAN NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGAM

 

2009 noong una kaming nagsama;

Lumipas ang panahon sa DSWD din pala nagkita-kita;

Listahanan ang aming unang naging tahanan;

At di naglaon lumipat sa Pantawid Pamilya Program na aming nadatnan.

 

Sa paglipas ng panahon, aking napagtanto;

Napakaraming dahilan upang kami’y mahinto;

Sa pag-gabay ng mga tao maging benepisyaryo;

Na naging dahilan upang ang programa ay lumago.

 

Samu’t saring karanasan ang kanilang pinanghahawakan;

Na sa akin ay madalas nilang pingangalandakan.

 

May umaakyat ng bundok upang maihatid ang nararapat na serbisyo;

Tumatawid ng dagat pasipiko gamit ang maliliit eroplano;

Na walang ibang dalangin kundi makarating ng maayos at maisagawa ang aming mga plano;

Naglalakad ng isa hanggang apat na oras, para lamang mga benepisyaryo aming makasalamuha at makamusta;

Hindi kakain sa tamang oras para lamang maipamalas, na aming serbisyo sa mga benepisyaryo, ay di maglalaho at never magbabago.

 

Maagang nagigising para siguraduhing maaga ring makararating sa paroroonan;

Dahil ang pagakayat ng bundok, pag tawid ng ilog, pagsakay sa maliliit na eroplano, pagtawid sa dagat pasipiko at mahabang lakaran, ang pagod nilay hinding hindi matatawaran;

Bakit kasi kailangan gawin ang mga yan, aking wari… RC kailangan, hindi lang para ito’y aming maranasan, kundi upang mga staff natin na nasa bayan, ay atin ring matulungan.

 

Kung ang kanilang pagbisita sa mga Munisipyo minsa’y nagdudulot ng kaba’t saya;

Para kay Lala, ito’y nagdudulot ng kakaibang ligaya, na silay’ muling makita;

Para kay Marisa, ito’y may dalang kagalakan na silay muling masilayan;

Para kay Belen, ito’y dagdag sa mga panibagong karanasan at panibagong dahilan upang sila’y matutukan;

Para kay Carla ito’y munting paraan upang sila’y muling makapanayam and masamahan ;

At para kay Jane, ang makasama sila kahit sa konting oras na nailaan, ay lubos ng nagdudulot ng kaginhawaan:

 

Kaya naman hindi kami magsasawang ,mga Municipal Links, Community Facilitators, Social Welfare Assistants at ang mga Community Facilitator Assistants, mabigyang pugay sa kanilang walang sawang pagseserbisyo para sa ating programa at benepisyaryo.

Maaaring sila’y may mga pagkukulang, paumanhin, ginagawa nilang lahat para ito’y kanilang kayanin.

Ang lagi kong paalala, kaya sila tinawag na mga Bisor, hindi upang sila’y maging eye sore;

Kailangan magpakita ng tamang gawi, upang lahat ng staff maka hit ng high score.

 

Ang aming programa hindi tatakbo, kung wala ang mga kababaihang ito;

Sampu nang lahat ng kababaihang patuloy na nagtataguyod at nagbibigay serbisyo;

Ako’y lubos na sumasaludo.

 

Ngayon buwan ng kababaihan, nais kong ipabatid ang aking pagbati, KUDOS sa mga natatanging Provincial Links at SWO III ng Pantawid Pamiyang Pilipino Rehiyon Dos.

 

Marami pa tayong pagdadaanan, ang mahalaga walang iwanan;

Sa pag gabay ni Maam Lucy at Maam Marissa, na laging andiyan at maasahan;

Alam kong minsa’y nais nang sumuko, pero lahat ng ito magbabago, sa ngalan ng serbisyo;

Gaya ng madalas kong nasasabi, kayo ay institusyon nang programang ito;

Hinding hindi yan magbabago;

Samahan niyo ako, kasama ng mga taga RPMO, na mapanatili ang estado ng Pantawid Pamilya sa Rehiyon na ito;

Hindi madali ang trabaho nating ito, ngunit kung sama-sama, maitatawid natin to!

 

Happy Women’s Month, sa lahat ng manggagawang kababaihan ng Pantawid Pamilyang Pilipino!

 

Sumasaludo, RPC ninyo.