Kasunod nito ang ‘redemption’, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na mamili ng kanilang mga pagkain sa mga piling tindahan sa munisipalidad. Ang mga tindahan na ito ay dumaan sa balidasyon ng World Food Program na katuwang din sa implementasyon ng programa.
Inihayag ni Nestor Alejo, 52 taong gulang at benepisyaryo ng programa, ang kanyang pasasalamat sa ahensya. Ani niya, “nagpapasalamat ako at tinutulungan ang mga gaya naming mahihirap. Talagang grabe ang hirap naming pamilya sapagkat wala kaming hanapbuhay at dahil dito, hirap kami maghanap ng pagkain pang-araw araw.”
Dagdag pa ni Alejo, malaking tulong ang FSP sa pagbibigay ng masusustansyang pagkain sa kaniyang tatlong anak.
Nagpakita rin ng suporta sina DSWD Undersecretary for Innovations Edu Punay, DSWD FO2 Regional Director Lucia Suyu-Alan, at Lokal na Pamahalaan ng San Mariano, sa pamumuno ni Alkalde Edgar T. Go, na nirepresenta ni Municipal Administrator Col. Monico I. Aggabao. Ang nabanggit na opisyal ay nagsagawa ng site visit at monitoring, kasama ang mga kawani sa Regional Program Management Office (PMO) at National PMO, upang matiyak na maayos ang proseso ng nasabing distribusyon at redempsyon.
Ang FSP ay bahagi ng mga hakbang ng nasyonal na pamahalaan upang tugunan ang pangangailangan sa pagkain ng mga pamilyang apektado ng kahirapan at krisis sa ekonomiya. Ito rin ay ayon sa Executive Order No. 44 o ang pagtatatag ng programang Walang Gutom 2027.