
Ang tema ngayong taon, “Pag-angat ng mga Lider Para sa Pagsulong ng Lipunang Walang Naiiwan,” ay sumasalamin sa layunin ng ahensya na magbigay ng suporta at magtaguyod ng pantay-pantay na oportunidad para sa mga indibidwal na nasa spectrum.
Ipinagdiwang ang buong linggong kaganapan na may iba’t ibang aktibidad na inihanda ng ahensya. Kabilang dito ang pagsabit ng tarpaulin sa harapan ng opisina bilang simbolo ng suporta ng DSWD FO2 sa nasabing adbokasiya.