Pinarangalan ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos (DSWD FO2) ng 95th Infantry “Salaknib” Battalion, 5th Infantry Division ng Philippine Army ngayong Enero 10, 2025.

Ang parangal ay pagkilala sa mahalagang suporta ng ahensya sa batalyon noong 2024, na nagbigay-daan upang mas maayos na maihatid ang serbisyo para sa mga mamamayan sa Lambak ng Cagayan. Bukod dito, pinatatag ng kooperasyon ng DSWD FO2 at ng batalyon ang proteksyon para sa mga mamamayan laban sa mga hamon tulad ng sakuna, insurhensiya, at iba pang kalamidad, alinsunod sa Executive Order No. 70.

Patuloy na magsusumikap ang DSWD FO2 na palawakin ang pakikipag-ugnayan nito sa Philippine Army upang mas mabilis at epektibong maihatid ang mga programa at serbisyong pangkawanggawa para sa mga Pilipino.