
Ang Farm-to-Market Road na may haba ng 1240 metro ay itinayo sa kabuuang halaga na Php10,106,600.00. Ang pondo ay pinondohan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay – Community Driven Development (KKB-CDD) Social Infrastructure (SI) grant na nagkakahalaga ng Php10,000,000.00, kasama ang karagdagang Php106,600.00 mula sa Barangay Local Government Unit bilang kabahagi.
Maliban sa mga kawani ng ahensya at lokal na pamahalaan, dumalo rin sa seremonya si Senator Imee Marcos.
Sa kanyang mensaha, idiniin ni Sen. Imee ang kahalagahan ng proyekto sa pagpapadali ng araw-araw na pamumuhay ng mga residente. Maliban dito, pahayag din ni Sen. Imee na “ang proyekto at perang ito ay galing sa DSWD. Sila ang pangunahing ahensya na nagbibigay ng tulong galing sa programang KALAHI-CIDSS. At ang pinakamahalaga, sainyo [mga residente sidente] itong proyektong ito dahil kayo ang naghirap para magawa ito.”
Inaasahan na ang subproject na ito ay magpapalakas sa mga aktibidad pang-ekonomiya ng La Paz at mga kalapit na komunidad sa pamamagitan ng pagpapabuti ng akses ng mga magsasaka at mga residente sa pamilihan, paaralan, at mga pangunahing serbisyo.