Sa paghagupit ng bagyong Lawin sa mga probinsya sa Cagayan Valley partikular sa Cagayan at Isabela, daan-daang mga pamilyang nasiraan ang pansamantalang nanuluyan sa mga evacuation centers sa kani-kanilang mga bayan.
Bukod sa pagsisiguro na sila ay may ligtas na may masisilungan, tiniyak din ng DSWD na mabigyan ng psychosocial support ang mga biktima ng bagyong lawin tulad ng stress debriefing.
Katuwang ng DSWD ang mga lokal na social workers sa pagbibigay na naturang suporta sa mga biktima.
Kabilang sa mga pansamantalang nanuluyan sa mga evacuation centers ang mga batang miyembro ng pamilya. At upang maibsan ang epekto ng bagyo sa mga bata, nagsasagawa ang DSWD ng mga palaro at iba pang pagkaka-abalahan ng mga bata ng sa gayon ay mapanumbalik ang kanilang sigla. ### By: Gela Flor R. Perez, Regional Information Officer II