Nanawagan sa publiko ang pamunuan ng DSWD Field Office 02 na maging handa sa nakaambang pananalasa ng bagyong Lawin matapos ang Pre-Disaster Risk Assessment na isinagawa sa rehiyon noong nakaraang araw.
Kasabay ng panawagang ito, kaagad na pinulong ni OIC Regional Director Ponciana P. Condoy ang mga kawani ng DSWD at siniguro na handa ang mga ito sa kanilang pagtugon sa pangangailangan ng mga maaapektuhan ng bagyo, lalong-lalo na ang bumubuo sa Municipal Action Teams (MAT) na nakatalaga sa iba’t ibang munisipyo.
Dagdag nito, siniguro din Condoy ang kahandaan ng DSWD sa relief goods bilang dagdag na tulong sa mga local na pamahalaan. ### By: Gela Flor R. Perez, Regional Information Officer II