Kasabay ng pagbibigay suporta ng DSWD Central Office sa DSWD Field Office 02, binigyang linaw din ng Ahensya ang sistema sa pamamahagi ng relief goods sa isang panayam sa Bombo Radyo Tuguegarao sa mga kinatawan ng DSWD Cenbtral Office.
Ang mga kinatawan ng DSWD Central Office na sina DSWD Assistant Secretary Hope Hervilla at Director Carlos Padolina dumalaw kamakailan sa Tuguegarao City upang kamustahin ang relief operations sa rehiyon.
Sa nasabing panayam ng Bombo Radyo, sinagot nina Hervilla at Padolina ang mga katanungan ng mga tagapakinig ng istasyon hinggil sa di umano’y hindi nakakarating na relief goods at iba pang tulong sa ibang mga munisipyo at ang hindi pagkakapare-pareho ng mga tulong na natatanggap ng mga biktima ng bagyong lawin.
Sa kanyang paliwanang, sinabi ni Hervilla na ang lokal na pamahalaan o LGUs ang may pangunahing tungkulin na magbigay ng tulong sa mga nasalanta. Mayroon na ring nakatabing relief goods ang mga ito galing sa DSWD o ito ang sistema ng prepositioning of goods na sa oras ng delubyo, ito ay kaagad na ipapamahagi ng LGU. kapag naubos na ang nasabing prepositioned goods, maaaring mag-request ng karagdagang tulong o augmentation support ang DSWD Field Office at kapat ito din ay naubos na, sasaklolo ang DSWD Central Office.
Samantala, nagbigay din ng ulat si Padolina sa mga serbisyong naibigay na ng DSWD Field Office sa mga biktima ng bagyo. ### By: Gela Flor R. Perez, Regional Information Officer II