Patuloy pa rin ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD-FO2) sa pamamagitan ng National Household Targeting Unit (NHTU) o Listahanan sa isinasagawang household assessment bilang bahagi ng Verifification Phase para sa ikalawang bahagi ng assessment ng Listahanan.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 2,226 o 59.4% ang matagumpay na ang narating ng mga area enumerators sa mga probinsiya ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at Cagayan.
Ang Verification Phase ay ang ikatlong bahagi ng Listahanan assessment na layong mabigyan ng kasagutan o aksyon ang mga apila o reklamo ukol sa inisyal o unang resulta ng regular na assessment.
Ang Listahanan ay isa sa mga programa ng DSWD na naglalayong tukuyin kung sinu-sino at kung saan matatagpuan ang mga mahihirap. ### By: Margarette B. Galimba, Administrative Assistant III/Listahanan IO