Ni: Vernice P. Himmayod

Musmos pa lamang dama na ang kahirapan,

Kakulangan sa pagkain ang nararanasan,

Paghihirap sa buhay gustong labanan.

 

Ninanais lisanin kahirapang kinagisnan,

Iwaksi ang kawalang nararamdaman,

Layunin ang problema ay masolusyonan.

Kaya’t sa murang edad ay nagsusumikap,
Pag-aaral ang pangunahing inaatupag,

Nang sa huli’y makamit minimithing pangarap.

 

Pantawid Pamilya Pilipino Program ang umaalalay,
Pagmamahal at pagsuporta naroroon pang gumagabay,

Mahaba man lalakbayin,

Marami mang bigas ang kakainin, Pagasenso nama’y tiyak na kakamtin,
Sa tulong ng Diyos ito’y matutupad rin.