ni Shekina Glorie Sario

 

Madaling araw ng lunes ng tayo ay nagigising
Sa tilaok ng manok sa ating hardin
Upang salubungin ang bagong umagang parating
Na puno ng aliwalas sa ating paningin

Backpack check ika nga
Maging tubig ay dala-dala pa
Trabeler ang tawag ng iba pero sa atin mas magandang Dora
Saan man dalhin taralets ang pambungad
sa mga taong nakakasalubong natin

Ngunit anong saya ng pakiramdam pag nakakarating sa lugar na paroroonan
At napupuno ng kaligayahan sa kliyeteng tinutulungan
Na may dala-dalang wagas na pasasalamat

Ating damhin ang taos pusong pasasalamat
Ng mga taong nabigyan ng serbisyong pak na pak
Mula sa MATinik at MATapat
Aba’y iyong lingkod wala ng katulad

Tara FDS na tayo
Lakarin! lakbayin! Hindi tayo patatalo
Marating lamang ang mga benepisyaryo
Upang mabigyan ng kaunting kaalaman at magamit ito sa pang-araw-araw nilang pamumuhay sa baryo

Hindi rin pahuhuli si Grievance!
Kulang sa grants check na check
Toot toot toot toot📲 Ma’am, kailan po ang payout?
Pero teka irecord at magFile para masagot ang grievance upang ang life Hayahay!

Huwag magselos CVS!
Parating na si BUS upang mag-update
Mga benepisyaryong mali mali ang datos
Ating baguhin para ang grants ay kompleto at Recommendation ay approve!

Eto na! eto na! Case Management na!
Ihome visit na mga kliyenteng espesyal ika nga
Case folder ang bitbit at dala
May kasama pang counseling sa mga benepisyaryo.