โ๐ต๐ขโ๐๐ฆ ๐๐ ๐ข๐๐๐๐๐ก ๐ ๐ ๐ค๐๐๐๐๐ โ๐ข๐๐๐๐ฆ ๐๐ โ๐๐๐๐ ๐๐ก ๐ก๐๐๐๐ก.โ
Ganito isinalarawan ni Ka-Marcie, hindi niya tunay na pangalan at taga- Sto. Niรฑo, Cagayan, ang kanyang naging karanasan bilang dating kasapi ng Militia ng Bayan sa ilalim New Peopleโs Army (NPA).
Isang kabataan noon na pinagkaitan ng karapatang mamuhay ng payapa, makapag-aral ng matiwasay, at makamit ang pangarap sa buhay na malaya. Kabataang hinubog upang ipaglaban ang pinaniniwalaan at katuwiran ng kilusang siya namang tumataliwas sa mabuting mithiin ng pamahalaan para sa bayan.
Sa inosenteng isipan ay itinanim na sakanya ang pagiging matapang. Isinabak sa buwis- buhay na pagsasanay at minulat ang kamalayan sa pakikipaglaban. Nang makapagtapos sa sekondarya ay tuluyan na nga siyang sumama sa kilusan at dito niya naranasan ang totoong hirap na kailanma’y ‘di niya naranasan sa labas ng organisasyon. Dahilan upang ilang beses na din niyang ninais umuwi subalit lagi siyang sinasabihan na malaki ang potensyal niyang maging pinuno at manguna para sa mga kabataan. Nakita din niya kung paano ang pamamalakad sa loob ng organisasyon na udyok at sa kanya upang muling manatili’t ipagpatuloy ang ipinaglalabang ang akala niya ay may katuturan.
Bilang isang kabataang uhaw parin sa edukasyon ay napagdesisyunan niyang sumuko sa gobyerno at muling ituloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Ngunit sadyang may pagkamasarili ang layunin ng kilusan sapagkat imbes na suportahan ay tinakot siya na marami na siyang kaso at maaring tortyurin, rason upang magtago siya ng ilang taon at tuluyan na ngang hindi nakapag-aral pa.
Sa kanyang paglalagalag sa kabundukan ng ilang taon ay naging masalimuot ang takbo ng kanyang buhay. Walang sapat na pagkain, pagod at puyat, malayo sa pamilya, at pangamba sa hinaharap na walang kasiguruhan ang mga pasakit na kanyang naranasan. Sa kanyang pakikibaka, hindi niya batid na hindi gobyerno ang kanyang tinitibag kundi ang kanayang mismong sarili at pamilyang binuo. Sa kanyang pagtakbo at pag- iwas sa militar ay unti- unting napupundi ang kanyang papel bilang ilaw ng tahanan.
“Nasisiwalat at naisusulong ko ang problema at isyu ng mga magsasaka, mag-aaral, at kapwa ko mahihirap ngunit kailanma’y hindi ko magawang ayusin ang problema sa loob ng aming tahanan.”Aniya.
Pamilya, isang matibay na rason kung bakit nagpasiya at naglakas loob si ka- Marcie na sumuko at magbalik loob sa pamahalaan. Nagsasakripisyo siya para sa iba ngunit hindi niya maayos ang gusot sa kanyang pamilya. At alam niya sa sarili niyang wala siyang patutunguhan kung magpapatuloy siya sa loob ng organisasyon.
Sa karanasang ito ay kanyang nabanggit , โtunay ngang mahirap timbangin kung alin at ano ang totoong tama’t mali kung bukas ang isipan mong alamin ang magkaibang paniniwala’t ipinaglalaban tungo sa maayos at payapang buhay, subalit kailanma’y ang pagmamahal mo sa iyong pamilya ang makapagtuturo sa’yo ng tamang kasagutan.
Sa huli, lubos ang pasasalamat ni ka- Marcie sa gobyernong dati ay kanyang kinakalaban ngunit ngayon ay buong pusong tumanggap sa kanaya na bumalik sa lipunang dapat siya ay kabilang. Sa maliit na puhunan na kanyang natanggap mula sa Sustainable Livelihood Program ng DSWD , puspos ng pag-asa niyang nabanggit na ito ay ilalaan niyang kapital para sa maliit na sakahan upang makapagsimula kasama ang kanayang pamilya sa bagong buhay na kanyang pinakasam-asam.
###Isinulat ni Jeslymar Layugan