Nagsagawa ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos ng distribusyon ng pinansyal na tulong sa mga residente ng Probinsya ng Quirino noong ika-22 ng Abril 2023.
Tinatayang nasa 120 na benepisyaryo mula sa Malasakit Centers sa probinsya ang nabigyan ng tig-tatlong libong pisong halaga ng ayuda. Samantala, nasa 500 naman na benepisyaryo mula sa bayan ng Saguday ang napamahagian ng tulong.
Ang tulong pinansyal ay mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). Layunin nitong tulungan ang mga mahihirap nating kababayan na sumasailalim sa krisis upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Kaugnay nito, ang nasabing distribusyon ay pinamunuan ni Senator Bong Go, Gobernador ng Quirino Dakila Carlo E. Cua, Philippine Charity Sweepstakes Office chief Junie E. Cua, Provincial Social Welfare and Development Office, at mga miyembro ng Social Welfare and Development (SWAD) Team Quirino.